^

Probinsiya

Magsasaka todas sa bayaw

-
TANZA, Cavite – Isang magsasaka ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng kanyang bayaw makaraang mapikon ang huli sa pagbibirong ginawa ng biktima kamakalawa ng hapon sa Brgy. Calibuyo ng bayang ito.

Kinilala ni P/Supt. Jaime Caringal, hepe ng pulisya ng bayang ito ang biktima na si Gavino Estacio, 52, ng Brgy. Calipuyo ng naturang lugar.

Habang ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Felimon Mintu, may sapat na gulang, bayaw ng biktima at residente ng nabanggit ding barangay.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Celino Javier, may hawak ng kaso, naganap ang krimen bandang 5:30 ng hapon habang nag-iinuman ang mag-bayaw kasama ang ilang kaibigan.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na nagkaroon ng kantiyawan ang magbayaw hanggang sa mapikon ang suspek bago nagpaalam sa grupo na uuwi subalit nang bumalik ay dala na ang shotgun at pinaputukan ang biktima hanggang sa mapatay. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BRGY

CALIBUYO

CALIPUYO

CAVITE

CELINO JAVIER

CRISTINA GO-TIMBANG

FELIMON MINTU

GAVINO ESTACIO

HABANG

JAIME CARINGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with