Isang pamilya binundol ng trak, mag-asawa todas, 2 anak kritikal
August 5, 2001 | 12:00am
SAN LEONARDO, Nueva Ecija Nasira ang magandang pangarap ng isang pamilya matapos na mabundol ng isang rumaragasang Isuzu Forward Truck ang kanilang sinasakyang tri-bike na nagresulta sa pagkamatay ng mag-asawa at lubhang pagkasugat ng dalawang anak sa Maharlika Highway, Bgy. Magpapalayok kahapon.
Patuloy na inaalam ng pulisya ang mga apelyido ng nasawing mag-asawang sina Danny at Liza habang kritikal naman ang dalawa nitong anak na sina Jonalyn, 3 at Janjin,1 dahil sa pagkabali ng mga buto nito sa katawan.
Samantala, boluntaryong sumuko sa pulisya ang suspect na si Fortunato Colorado Jr., 29, ng Bgy. Bagting, Gabaldon, Nueva Ecija, drayber ng nasabing truck na may plakang WTR 307.
Lumalabas sa imbestigasyon na dakong alas-5:40 ng umaga ay nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang suspect sa nasabing lugar na naging dahilan para mabundol ang tri-bike na kinalululanan ng mga biktima.
Ang suspect ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and serious physical injuries. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest