Mag-asawa niratrat habang natutulog

SARIAYA, Quezon – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-asawa ng anim na hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang mga biktima ay natutulog sa kanilang bahay sa Barangay Mamala Uno sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ng M16, carbine at kalibre 45 sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ay sina Armando Arpia, 47, magsasaka at ang asawang si Mercedita, 47.

Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO3 Manuel Cayco, may hawak ng kaso, mahimbing na natutulog ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay dakong alas-10:30 ng gabi nang sila ay pasukin ng anim na kalalakihan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang mga pangalan ng suspek sa pamamaslang sa mag-asawa at kung ano ang motibo ng mga ito. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments