Kotse bumangga sa poste,2 patay,5 kritikal
July 29, 2001 | 12:00am
BINANGONAN, Rizal Matapos ang kasiyahan sa isang birthday party, trahedya naman ang inabot ng isang magbabarkada matapos na dalawa sa kanila ang mamatay habang lima naman ang malubhang nasugatan nang bumangga ang sinasakyan nilang kotse sa isang poste dahil sa lango sa alak na pagmamaneho, kahapon ng madaling-araw sa bayang ito.
Nakilala ang mga nasawi na sina Ryan Antonio, 21, ng Meralco Avenue, Brgy. Pantok; at si John Bautista, 22, ng Brgy. Bilibiran, ng bayang ito.
Kasalukuyang inoobserbahan naman ngayon sa Angono District Hospital ang mga kasamahan nilang sina Joan Bautista, asawa ng isa sa nasawi; Aizes Marte; Edward Ilagan, pawang mga residente ng bayang ito; Robert Cruz ng Taytay, Rizal at Geovanie Garcia ng Brookside Hills, Cainta, Rizal.
Sa ulat ni SPO4 Reynaldo Gonzaga, hepe ng investigation division, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa kahabaan ng national road sa may Brgy. Bilibiran.
Galing umano ang magbabarkada mula sa isang inuman sa isang birthday party ng isa nilang kaibigan sa bayang ito. Papauwi na ang mga ito at ipinasyang magpahatid na lamang kay Garcia na may dalang sasakyan na Toyota Corolla (TCX-220).
Matapos na makatawid sa isang tulay sa nabanggit na barangay, nawalan ng kontrol sa manibela si Garcia dahil sa labis na kalasingan.
Dito na dumiretsong sumalpok ang kotse sa isang kongkretong poste ng Meralco sa gilid ng kalsada, sanhi upang mawasak ang sasakyan dahil sa lakas ng pagkakabangga. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest