^

Probinsiya

Nene hinalay na binigti pa

-
SILANG, Cavite – Naging malagim ang kamatayan ng isang batang babae matapos na dukutin, halayin bago bigtihin ng isang trike driver sa liblib at madamong lugar ng Barangay Puting-Kahoy ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jenina Ann Alicpusan, 13, grade 5 pupil at residente ng Purok 1, Sinlahan, Sta. Rosa Laguna.

Samantala, ang suspek na ngayon ay nakapiit sa Silang PNP detention cell ay nakilalang si Joselito Paz, 26, may asawa ng naturang lugar.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Eduardo Eusebio, may hawak ng kaso, huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-5:30 ng hapon nang magpaalam sa amang si Gavino na may pupuntahan bago sumakay ng tricyle na minamaneho ng suspek.

Mula kahapon ng umaga ay hindi na umuwi pa ang biktima sa kanilang bahay kaya ipinagbigay alam kaagad ng ama ang pangyayari sa himpilan ng pulisya.

Mabilis namang nagsagawa ng follow-up operation ang Sta Rosa, Laguna PNP at positibong itinuro ng ilang tricycle driver ang suspek na siyang nagsakay sa biktima bago matagpuan ang bangkay nito sa nabanggit na lugar. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BARANGAY PUTING-KAHOY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

EDUARDO EUSEBIO

GAVINO

JENINA ANN ALICPUSAN

JOSELITO PAZ

KINILALA

ROSA LAGUNA

STA ROSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with