Kinilala ng pulisya ang biktima na si Efren Silva, 30, may asawa, magsasaka ng nabanggit na lugar habang ang dalawang kapatid na suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay kinilalang sina Allan at Noli Silva na kapwa rin magsasaka sa naturang barangay.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-3 ng madaling araw habang ang biktima ay natutulog sa kanilang bahay.
May teorya ang pulisya na may kaugnayan ang sinasakang lupain ng magkakapatid sa naganap na krimen dahil sa ilang malapit na kamag-anakan ang nagsasabing hindi magkasundo ang mga ito sa kanilang lupain. (Ulat ni Ed Casulla)