3 NPA rebels arestado
July 24, 2001 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Hindi nagawang makatakas sa bitag ng militar ang tatlong mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa isinagawang combat operation ng Army Special Force Team sa bisinidad ng Kilometer 30, Brgy. Mahagsay, San Luis, Agusan del Sur, ng alas-11:25 ng tanghali noong Sabado.
Habang tatlo ring miyembro ng NPA na pawang nakasakay sa isang motorsiklo ang inaresto ng militar sa nasabi ring lugar sa isang checkpoint.
Sa report na nakarating sa Southern Command kahapon, nakatakas ang dalawa sa mga nahuli habang isinasagawa ang interogasyon sa isang military detachment sa Agusan del Sur.
Agarang nagsagawa ng manhunt operation ang militar subalit bigong nagsibalik ang mga ito kahapon.
Pinaniniwalaang nagtatago sa kasalukuyan ang mga nakatakas na rebelde sa bulubunduking bahagi ng Agusan del Sur. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
July 3, 2026 - 12:00am