10-anyos anak ng trader kinidnap
July 24, 2001 | 12:00am
Dinukot ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng isang big-time kidnap-for-ransom (KFR) gang ang isang sampung-taong gulang na batang lalaki na anak ng mag-asawang mayamang negosyanteng Fil-Chinese sa Cebu City, kahapon ng umaga.
Sa sketchy report na nakarating sa Camp Crame, ang biktima ay kinilalang si Ryan James Yu.
Napag-alaman na ang biktima ay kasalukuyang naglalaro sa labas ng kanilang tahanan kahapon ng umaga malapit sa Lahug District ng nasabing lungsod nang dukutin ng hindi pa madeterminang bilang ng mga suspek na noon ay lulan ng isang pribadong sasakyan na di nakuha ang plaka.
Ayon sa ilang bystanders na nakasaksi sa pangyayari, ang mga suspek ay pawang armado umano ng matataas na kalibre ng armas.
Agad umanong sinunggaban ng mga suspek na pawang naka-bonnet ang bata at isinakay sa kanilang sasakyan saka mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Lahug District.
Base sa ulat, ang pamilya umano ng biktima ay nagmamay-ari ng ibat ibang uri ng negosyo sa Cebu City at hinihinala na matagal nang tinitiktikan ng mga suspek ang kilos ng biktima kung kaya naging madali ang ginawang pagdukot dito.
Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pa umanong ransom demand na tinatanggap ang pamilya ng biktima mula sa mga suspek.
Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng mga elemento ng Cebu City Police sa kaso upang madakip ang mga suspek at mailigtas ang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest