^

Probinsiya

Barangay Chairman inutas ng mandurugas

-
Pinagtulungang saksakin at barilin hanggang sa mapatay ang isang brgy. chairman ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pawang mga holdaper makaraang manlaban ang biktima sa naganap na holdapan kamakalawa ng gabi sa Balayan, Batangas.

Ang biktima na idineklarang patay sa ospital dahil sa tama ng bala ng baril at saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Felagio Cidoco, 37, brgy. captain ng Dalig sa nabanggit na lalawigan.

Nabatid sa ulat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima bandang alas-11 ng gabi na nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan bago nag-paalam na uuwi na.

Nabatid pa sa imbestigasyon na habang naglalakad ang biktima patungo sa kanilang bahay ay hinarang ito ng mga holdaper subalit nanlaban kaya tinuluyan ito ng mga hindi kilalang lalaki.

Natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima sa isang kanal na walang mga suot na alahas at pitaka nito na naglalaman ng malaking halaga. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BALAYAN

BATANGAS

DALIG

FELAGIO CIDOCO

JOY CANTOS

NABATID

NATAGPUAN

PINAGTULUNGANG

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with