4 lola nasakote sa pagnanakaw sa palengke
July 23, 2001 | 12:00am
CARMONA, Cavite Apat na lola ang iniulat na naresto ng Carmona PNP makaraang maaktuhan ang mga ito na nagnanakaw ng mga gulay, bigas at grocery items sa isang stall sa loob ng palengke kamakalwa ng hapon sa Barangay Maduya ng bayang ito.
Ang apat na suspek na ngayon ay nakakulong sa himpilan ng nabanggit na pulisya ay kinilalang sina Virginia Guillen, 69; Paula Lucas, 64; Estella Justo, 70; at Adoracion Agulto, 69 na pawang mga residente ng Delpan, Tondo, Maynila.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na naaktuhan ang mga suspek na nagnanakaw ng mga gulay, bigas at grocery items sa isang stall na pag-aari ni Erlinda Toneda.
Habang isinasakay na ng mga suspek ang nakaw na mga gulay at grocery items sa dalang jeep ay namataan naman ito ni Toneda na kaagad namang humingi ng saklolo sa pulisya at naaresto ang mga ito.
Sa pag iimbestiga ng pulisya, inamin naman ng mga suspek na nakuha nilang magnakaw dahil sa magdaraos ng debut ang kanilang pamangkin sa darating na araw. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest