^

Probinsiya

P 13M puslit na bigas nasabat

-
TABACO CITY — Tinatayang aabot sa 13,300 sako ng puslit na bigas na nagkakahalaga ng P13 milyon ang nasabat ng Tabaco City PNP kamakalawa ng gabi sa daungan ng nabanggit na lungsod.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na ang mga puslit na bigas ay inilulan sa isang barkong may markang M/V GEMA buhat pa sa Maynila at nasabat dakong alas-9:30 ng gabi habang inilululan sa 12 truck papalabas ng nabanggit na pier.

Nabatid pa sa ulat na naka-consign ang mga puslit na sako ng bigas sa isang nagngangalang Ricardo Corral, isang negosyante mula sa Sorsogon.

Wala namang maipakitang mga dokumento mula sa Bureau of Custom partikular na ang Bill of Landing at Roll Book ang mga pahinante at driver kaya ipinag-utos ni P/Insp. Nilo Berdin, hepe ng pulisya sa bayang ito na pansamantalang ilagay sa compound ng Tabaco City PNP station.

Idinagdag pa ni Berdin na ang nabanggit na barko ay basta na lamang naglayag papalayo ng nabanggit na pier ng walang pahintulot ng Phil. Coast Guard at Phil. Port Authority.

May teorya ang pulisya na kapag naipuslit ang mga sako ng bigas ay ipagbibili ang mga ito sa mga negosyante na nakabase sa Bicol upang ipagbili naman sa mataas na presyo. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BILL OF LANDING

BUREAU OF CUSTOM

COAST GUARD

ED CASULLA

NILO BERDIN

PORT AUTHORITY

RICARDO CORRAL

ROLL BOOK

TABACO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with