^

Probinsiya

Suwail na anak pinatay ng ama

-
ILOILO CITY — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng sariling ama ang kanyang anak na lalaki na nagtangkang pumatay sa kanya sa Saint Vincent Subdivision, Leganes, Iloilo, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na lango pa sa alak nang barilin ng ama ay nakilalang si Ildefonso Dasal, 36, binata habang ang suspek na ama na boluntaryong sumuko sa pulisya ay kinilalang si Segundo Dasal, 79, na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Nabatid sa ulat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-2:30 ng hapon nang dumating sa kanilang bahay ang anak na lango sa alak at hinihiram sa ama ang shotgun dahil sa gagamitin nito sa kanyang nakaaway.

Subalit tumanggi ang ama sa kahilingan ng anak hanggang sa mauwi sa pagtatalo kaya nagtungo na lamang sa kusina upang kumuha ng patalim at planong todasin ang ama.

Ayon pa sa ulat, namataan ng ama na may hawak na ng patalim ang suwail na anak at balak siyang patayin kaya inunahan na niyang barilin ng shotgun ang biktima. (Ulat nina Jun Aguirre at Joy Cantos)

vuukle comment

AMA

AYON

ILDEFONSO DASAL

ILOILO

JOY CANTOS

JUN AGUIRRE

LEGANES

NABATID

SAINT VINCENT SUBDIVISION

SEGUNDO DASAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with