2 anak ng mayor kinasuhan ng kidnapping
July 19, 2001 | 12:00am
KIDAPAWAN CITY Pormal na sinampahan kahapon ng kasong kidnaping ni North Cotabato Gov. Emmanuel Piñol ang dalawang anak ng mayor ng Pagalungan, Maguindanao na nagplano at nangunang dumukot sa isang negosyanteng Chinese national na nagmamay-ari ng irrigation system sa naturang lugar noong nakaraang buwan.
Si Gob. Piñol na ngayon ay namumuno upang mapalaya ang biktimang si Zhang Zhong Quiang ay kinilala ang dalawang suspek na sina Kaotin at Andi Montawal na kapwa anak ng mag-asawang Pagalungan Mayor Datu Janggo Montawal at Pagagawan Mayor Bai Annie ng naturang lalawigan.
"Positibong kilala ng mga saksi ang dalawang suspek na kumidnap kay Zhang sa hangganan ng Maguindanao at North Cotabato," ani Gob. Piñol.
Idinagdag pa ni Gob. Piñol na katunayan ay ginamit pa ng magkapatid na suspek ang kanilang kotseng Nissan Pathfinder na kulay pula at may plakang LCP-353 upang dukutin ang naturang trader.
Magugunitang si Zhang na isang operations manager ng China Import-Export Technologies, Inc. ay dinukot ng limang gunmen habang ang biktima ay patungong project site sa Carmen, North Cotabato mula sa Davao City sakay ng isang passenger van.
Napag-alaman pa na ang may-ari ng sinakyang van ni Zhang na si Percival Ceriales ay boluntaryong sumuko kay Gob. Piñol noong nakaraang linggo at isiniwalat ang naganap na kidnaping.
Ayon pa sa ulat na nasakote na ng pulisya ang tatlong security guard na sangkot sa pagdukot kay Zhang.
Hindi naman pinagtutuunan ng pansin ni Gob. Piñol ang grupo ni Faisal Marohomsar at Abu Hamsa na kapwa Maranaw kidnapers ang siyang may kagagawan ng nabanggit na kidnaping dahil sa inililigaw lamang ng magkapatid ang akusasyon laban sa kanila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest