^

Probinsiya

Pahinante hulog sa truck, patay

-
TALISAY, Camarines Norte – Isang pahinante ng Maesa’s Gravel and Sand Company ang iniulat na nasawi makaraang mahulog mula sa truck na kanyang sinasakyan habang nagbibihis ng damit kahapon ng umaga sa kahabaan ng tulay ng Talisay ng naturang lugar.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Larry Puhen, 22, may asawa ng Brgy. Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Nonito Gonzales, may hawak ng kaso, nakasakay umano ang biktima sa ibabaw ng truck na may lulang graba habang bumabagtas sa kahabaan ng nabanggit na tulay.

Dahil sa may naunang isang tricycle sa truck na may plakang TPF-295 ay biglang kinabig ng driver na si Jessie Lopez pakaliwa ang minamanehong sasakyan.

Lingid sa kanya ay nagkataon namang nagbibihis ng damit ang biktima na naging sanhi upang ito ay mahulog sa kahabaan ng tulay bago masagasaan ng huling gulong ng nasabing truck. (Kuha ni Francis Elevado)

vuukle comment

BRGY

CALANGCAWAN NORTE

CAMARINES NORTE

DAHIL

FRANCIS ELEVADO

GRAVEL AND SAND COMPANY

ISANG

JESSIE LOPEZ

KINILALA

LARRY PUHEN

NONITO GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with