Guro pinatay ng adik

Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang guro ng pampublikong paaralan ng isang adik na lalaki dahil lamang sa mapanuring titig ng biktima sa huli kamakalawa ng gabi sa San Miguel, Iloilo.

Kinilala ng pulisya ang biktimang idineklarang patay sa Aleosan District Hospital na si Joel Marfil, 32, ng Brgy. San Antonio, San Miguel ng naturang lalawigan.

Samantala, ang suspek na boluntaryong sumuko sa pulisya makaraan ang isang araw ay kinilalang si Richard Simpas, 22 at kapitbahay ng biktima.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-10:35 ng gabi sa harapan ng bahay ng suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ilang testigo ang nagsabing minasama ng suspek ang pagkakatitig ng biktima sa kanya kaya napagtripang abangan sa labas ng bahay bago undayan ng sunud-sunod na saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments