^

Probinsiya

Ex-pilot nang-hijack ng eroplano

-
Isang sinibak na piloto ng Dole Philippines sa hindi nabatid na dahilan ang iniulat na nang-hijack ng inuupahang single-engine plane ng naturang kompanya bago nag-demand ng halagang P2 milyon kamakalawa ng hapon sa Davao.

Kinilala ng Davao Air Transportation Office ang nang-hijack na si Capt. Roberto Ramirez na napaulat na pababagsakin ang nasabing eroplano kapag hindi naibigay ang kanyang demand kapag sumapit ang alas-3:00 ng hapon.

Ang nabanggit na eroplano ay ginagamit ng Dole Phils. sa pang-spray ng kemiko sa plantasyon ng pinya sa naturang lalawigan.

Napag-alaman pa sa ulat na tatagal lamang ang eroplanong RPC-1768 sa ere ng dalawang oras dahil sa mauubusan na ito ng fuel subalit makalipas na ang itinakdang oras ay wala pang ulat na pinabagsak ang eroplano.

Sinabi naman ni Aviation Security Chief Marcelo Ele na dadalhin na lamang daw ni Ramirez ang nasabing eroplano sa Agusan subalit hindi ito pinaniwalaan ng mga awtoridad dahil sa kukulangin ito ng fuel.

May teorya pa ang mga awtoridad na si Ramirez ay nasa Davao pa rin at nililito lamang ang mga imbestigador. (Ulat ni Rey Arquiza)

vuukle comment

AGUSAN

AVIATION SECURITY CHIEF MARCELO ELE

CAPT

DAVAO

DAVAO AIR TRANSPORTATION OFFICE

DOLE PHILIPPINES

DOLE PHILS

RAMIREZ

REY ARQUIZA

ROBERTO RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with