^

Probinsiya

'Crispy bata' ginawang exotic food

-
May nagpakalat ng mga litrato ng fetus o sanggol mula sa internet na ang mga ito ay ginagawang ‘crispy tapa’ (o crispy bata?) bago ipinagbibili sa tinaguriang underground restaurant bago kinakain.

Ang ‘crispy tapa’ o bata ang kasalukuyang pinagkakaguluhan ngayon bilang exotic foods sa mga restaurant sa Taiwan partikular na sa tinaguriang Bangka night market sa Taipe City dahil sa nakapagpapabata at nakapagpapagaling ng anumang sakit sa katawan.

Binibili daw ng mga may-ari ng restaurant ang mga fetus o kaya’y patay na sanggol sa mga abortion clinic o hospital sa iba’t ibang bahagi ng Taiwan sa halagang US$50 hanggang US$70 upang ma-meet ang high demand sa kanilang negosyo.

Inilalagay daw ang fetus o sanggol sa kawaling puno ng mantika bago gawing ‘crispy bata’.

Dahil sa umano’y nakapagpapabata at nakapagpapatigas pa rin ng ari ng lalaki ang ‘crispy bata’ ay naging mabili ito sa mga may edad na Intsik partikular na sa mga kababaihan na wala nang gana sa sex life.

Pero ang lahat ng ito kabilang na ang paggawa ng ‘crispy bata’ at ang mga litrato na kumakain ng sanggol na tinawag na "infantiphagia" ay pinabulaanan ng isang matandang Chinese national mula sa Mainland China na naging source ng Pilipino Star NGAYON na ngayon ay nasa gitna ng China Town, Maynila.

Sa personal na panayam ng PSN sa pamamagitan ng interpreter na ipinakita lamang sa mga tao na ang kinakain na fetus o sanggol ng isang lalaki ay tunay subalit ito ay nasa bulburas na nakalagay sa capsule.

Mula sa Mainland China ang pinulbos na fetus o patay na sanggol bago ilagay sa botelya upang ipagbili at ipakalat sa lahat ng tindahan ng Intsik sa China town.

"Nasa loob ng kampo ng People’s Liberation Army ang malaking laboratoryo ng processing ng pinulbos na fetus o sanggol," ani ng source ng PSN.

BANGKA

BINIBILI

CHINA TOWN

INTSIK

LIBERATION ARMY

MAINLAND CHINA

PILIPINO STAR

SANGGOL

TAIPE CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->