^

Probinsiya

Mag-utol timbog sa drug bust

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan — Tatlong mag-utol na umano’y pansamantala pa lamang nakalalaya dahil sa kasong droga ang muling dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Regional Anti-illegal Drug Task Force at Hagonoy PNP sa isinagawang drug bust sa bahay ng una kamakalawa ng umaga sa Brgy. Sto. Niño ng bayan ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Ferdinand, 52; Eddie, 43; at Sonny Laderas, 42, na pawang mga residente ng nabanggit na brgy.

Ang mga suspek na may ilang linggo lamang na nakalalaya dahil sa piyansa ay muling isinailalim sa pagtitiktik ng pulisya dahil sa patuloy pa rin itong nagpapakalat ng droga.

Sa ulat ni P/Supt. Noli Reyes, hepe ng pulisya sa bayang ito, sinalakay ang bahay ng magkakapatid dakong alas-7:45 ng umaga dahil na rin sa ipinalabas na arrest order ng korte na may kaugnayan sa nakabinbing kaso ng mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang may 70 gramo na shabu, drug paraphernalia, at halagang P140,000 na pinaniniwalaang mula sa pinagbentahan ng droga. (Ulat ni Efren Alcantara)

BRGY

BULACAN

DRUG TASK FORCE

EDDIE

EFREN ALCANTARA

FERDINAND

HAGONOY

NOLI REYES

REGIONAL ANTI

SONNY LADERAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with