^

Probinsiya

2 opisyal ng NPA rebels nalambat

-
Bumagsak sa mga tauhan ng pulisya ang dalawang matataas na opisyal ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na aktibong nag-ooperate sa Region 1 sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa La Union, ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame kahapon.

Base sa ulat, unang naaresto ng mga tauhan ng Regional Intelligence and Investigation at La Union PNP si Eduardo Cacayuran alyas Ka Kardo, 33 at kasalukuyang kalihim ng Regional Peasant Secretariat ng CPP/NPA sa nasabing rehiyon.

Nasakote si Cacayuran kamakailan sa Brgy. San Antonio, Aringay, La Union habang naglalakad patungo sa kontak ng NPA sa nasabing lugar.

Kasunod nito ay naaresto naman si Avelino Dacanay, alyas Ka Mac, sinasabing ikalawa sa pinakamataas na opisyal ng NPA sa nasabing rehiyon.

Si Dacanay ay miyembro ng Regional Executive Committee at hepe ng Organization Department ng NPA.

Ayon sa ulat, si Dacanay ay nadakip kamakalawa sa kanyang bahay sa Brgy. Sta. Cecila, Aringay, La Union sa bisa na rin ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Arturo Buenavista ng Regional Trial Court, Branch 2 ng Bangued, Abra. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ARINGAY

AVELINO DACANAY

BRGY

CAMP CRAME

EDUARDO CACAYURAN

JOY CANTOS

JUDGE ARTURO BUENAVISTA

KA KARDO

KA MAC

LA UNION

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with