Mayor kinasuhan dahil sa jueteng
July 14, 2001 | 12:00am
Bunga na rin ng pagtatangkang arborin ang siyam katao na naaresto sa aktong sugal na jueteng, sasampahan ng kaso ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mayor ng Pagbilao, Quezon ng Obstruction of Justice.
Ayon kay P/Supt. Noel Estanislao, OIC ng DILG-SOGJ tinangka umanong arborin ni Mayor Romar Portez ang siyam na katao na nadakip ng DILG habang nagsasagawa ng bolahan ng jueteng sa Brgy. Pinagsanayan ng nabanggit ding lalawigan.
Lumilitaw na sinalakay ang naturang lugar bago naaresto ang siyam katao subalit ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay dumating ang isang ambulansiya sakay ang isang nagpakilalang bata ni Portez.
Iginiit ng nagpakilalang tauhan ni Portez na sa ambulansiya na lamang isakay ang mga naaresto upang madala sa presinto.
Dumating sa himpilan ng pulisya si Portez kasama ang ilang mga armadong kalalakihan kasunod umano ang pakikipag-usap kay Estanislao hinggil sa kanilang nadakip.
Bukod dito, nabatid na pinagalitan ni Portez ang mga operatiba ng Jericho matapos na magsagawa ng operasyon laban sa iligal na jueteng.
Subalit hindi naman pumayag si Estanislao sa halip ay inirekomenda nito ang paghaharap ng kaso laban sa alkalde. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest