^

Probinsiya

Ina sinampal ng anak, pinatay ng kapatid

-
SILANG, Cavite – Dahil sa pagtatanggol sa sinampal na ina ng nakababatang anak ay nagawang saksakin at mapatay ng sariling kuya ang biktima kamakalawa ng gabi sa Barangay Old Bulihan ng bayan ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jhon-John Reyes, 23, binata, habang ang suspek na boluntaryong sumuko sa pulisya ay kinilalang si Lavera Reyes, 27, binata, na kapwa residente ng naturang lugar.

Sa isinumiteng ulat ni PO3 Bartolome Reyes kay P/Supt. Gregorio Evangelista, hepe ng pulisya sa bayang ito, naganap ang krimen dakong alas-8:00 ng gabi sa loob ng bahay ng pamilya Reyes.

Napag-alaman na ang biktima ay umuwing lango sa alak at dahil sa pinagsabihan ng ina na itigil na ang bisyong pag-inom ng alak ay nairita ito kaya sinampal ang ina sa harapan ng suspek.

Akma pa sanang sasampalin ng biktima ang ina subalit hinadlangan na ito ng suspek kaya lalo itong nagalit bago nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-utol.

Nabatid pa sa ulat, na patalikod na sinaksak ang biktima at binawian ng buhay habang ginagamot sa Dela Salle University Medical Center. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

AKMA

BARANGAY OLD BULIHAN

BARTOLOME REYES

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DAHIL

DELA SALLE UNIVERSITY MEDICAL CENTER

GREGORIO EVANGELISTA

JHON-JOHN REYES

LAVERA REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with