Pagkalat ng Dengue nakaamba
July 11, 2001 | 12:00am
DAET, Camarines Norte Dahil sa kawalan ng drainage system ay patuloy na kumalakat ang sakit na dengue sa naturang lalawigan na nagresulta upang nakabiktima ng apat na kabataang mag-aaral ng Barangay Lag-on ng bayang ito.
Ang mga biktima na pansamantalang hindi muna ibinigay ang mga pangalan at ngayon ay nilalapatan ng lunas sa Hernandez Memorial Hospital ay mag-aaral ng Abaño Pilot Elementary School at Daet Elementary School na natatagpuan sa Purok 1, 4 at 7 ng nasabing barangay.
Dahil sa nakaambang tumaas ang bilang ng pasyente ng sakit na dengue ay ipinag-utos ni Municipal Health Officer Dr. Juan Magana na magsagawa ng fogging sa lugar na pinagpupugaran ng lamok na dulot ng sakit na dengue.
Kabilang sa mga binombahan ng fogging machine ay ang La Consolacion College of Daet, Saint Ignatius Nursery School, Vinzons Pilot High School. Abano Pilot at Daet Elementary School. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am