^

Probinsiya

Trader tinodas ng mag-utol

-
TRECE MARTIREZ CITY, Cavite – Isang trader ang iniulat na kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan makaraang pagtulungan na tagain ng mag-utol dahil lamang sa pagtanggi ng una na pautangin ng panindang alak ang huli, kamakalawa ng hapon sa Barangay Osorio ng lungsod na ito.

Ang biktima na ngayon ay nasa Andres Bonifacio Hospital ay kinilalang si Joel Tenorio, 24, nagmamay-ari ng tindahan ng nasabing lugar.

Samantala, ang isa sa suspek na ngayon ay nakakulong sa PNP detention cell ay nakilalang si Policarpio Balmes habang tinutugis naman ang utol nitong si Crisanto Balmes.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Melvin Presda, may hawak ng kaso, naganap ang krimen dakong alas-5:00 ng hapon habang nagpupumilit ang mga suspek na umutang ng panindang alak.

Dahil sa nairita na ang asawa ng biktima na si Darilyn Tenorio sa mga binitiwang salita ng mga suspek ay napilitang magsarado ito ng tindahan kaya nagalit ang mag-utol.

Dito na kinompronta ng biktima ang mag-utol at nagsimulang magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa malagim na krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

BARANGAY OSORIO

CAVITE

CRISANTO BALMES

CRISTINA GO-TIMBANG

DAHIL

DARILYN TENORIO

JOEL TENORIO

MELVIN PRESDA

POLICARPIO BALMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with