20 bangkay nahukay sa Baguio mudslide
July 9, 2001 | 12:00am
Dalawampung naaagnas na bangkay ang narekober ng search and retrieval operations team kaugnay ng patuloy na operasyon upang hukayin ang mga residenteng natabunan ng mudslide at landslide bunga ng pananalanta ni "Feria" sa magkakahiwalay na operasyon sa bulubunduking bahagi ng La Trinidad, Benguet at Baguio City.
Base sa ulat na ipinalabas kahapon ng National Disaster Coordinating Council (NDCC), tumaas na sa 121 ang "Feria" death toll matapos marekober sa ilalim ng mga gumuhong lupa sa La Trinidad, Benguet at Baguio City ang naturang mga bangkay.
Nabatid na puspusan pa rin ang isinasagawang paghuhukay ng mga government rescuers sa mga gumuhong bahagi ng nasabing probinsya upang makuha ang iba pang mga biktima ng landslide.
Napag-alaman na 44 katao pa ang nawawala habang umabot na sa 130 katao mula sa ibat ibang bahagi ng rehiyon ng Luzon na grabeng naapektuhan ng nasabing bagyo, ang naiulat na nasugatan, karamihan dito ay mga bata.
Masusi namang tinitingnan ngayon ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Baguio City at Benguet ang mga ulat na dahil sa mga bagong squatter settlement sa nasabing probinsya ang naging sanhi ng mga grabeng pagbaha at pagguho ng lupa na ikinasawi ng mahigit sa 30 katao at ikinasugat pa ng marami.
Nabatid na dahil sa mga bagong tayong mga squatter settlements sa nasabing probinsya, partikular na sa Dominican Hill, Quirino Hill at Quezon Hill, tuluyan nang nabarahan ang mga daluyan ng tubig kung kaya nagkabaha.
Samantala, base pa rin sa NDCC, ang mga sumusunod na mga tulay at kalsada ay nananatiling sarado o di kayay bahagya pa lang na binuksan na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Ilocos Sur Naguillian, Quirino Bridge sa Narvacan, Bayugao Bridge sa Sta. Cruz at Badoc Bridge.
Pangasinan Bugayong Bridge.
Cagayan Quilban Detour.
Panablanca Tawi Bridge
Gattaran Calaoagan Bassit, Maharlika Highway mula Region 2 hanggang Metro Manila.
Baguio City Marcos Highway (bahagyang bukas), Bontoc-Baguio Road, Benguet-Nueva Vizcaya Road (isang lane lang ang bukas), Pacdal Road, Baguio-Naguillian Road.
Kalinga Tabuk-Banawe Road, Kalinga-Abra Road, Mt. Province-Calanan Road, Dasoy Bridge. (Ulat nina Joy Cantos at Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 12 hours ago
By Cristina Timbang | 12 hours ago
By Tony Sandoval | 12 hours ago
Recommended