^

Probinsiya

4 holdaper nasakote

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan — Apat katao na pinaniniwalaang miyembro ng kilabot na holdaper kabilang na ang dalawang babae ang nasakote ng Sta. Maria, Bulacan PNP sa aktong nagbabaklas ng mga gamit sa loob ng isang taxi na hinoldap ng una kahapon ng madaling-araw sa Sitio Gulod, Brgy. San Gabriel, Sta. Maria, ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na holdaper na sina Danilo Esperada, 25; Jeffrey Pizon, 28, na kapwa residente ng Tondo, Maynila at ang dalawang babae na sina Ana Española, 23, at Carol Rivera, 20, na pawang residente ng Tayuman, Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ni P/Supt. Danilo Evangelista, hepe ng pulisya ng bayang ito, hinoldap ng mga suspek ang Powerflex taxi na may plakang PVZ-894 na minamaneho ni Romeo Samarita, 48, ng Camarin, Caloocan City.

Dinala ng mga suspek ang hinoldap na taxi sa naturang barangay subalit habang binabaklas naman ng mga ito ang stereo at metro ay natiyempuhan ng mga nagpapatrulyang pulisya dakong alas-12:30 ng madaling-araw na naging dahilan upang masakote ang mga suspek. (Ulat ni Efren Alcantara)

ANA ESPA

BULACAN

CALOOCAN CITY

CAROL RIVERA

DANILO ESPERADA

DANILO EVANGELISTA

EFREN ALCANTARA

JEFFREY PIZON

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with