^

Probinsiya

2 todas sa ambush

-
Dalawang katao ang nasawi habang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang abogado makaraang tambangan ang mga ito ng hindi kilalang armadong kalalakihan sa Guagua, Pampanga kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang mga namatay ay kinilalang sina Ramon Yuso, 40, ng Brgy. Calantas at Rustico Fernando, 50, ng Brgy. Gulad, Floridablanca ng nabanggit na lalawigan.

Habang ang nakaligtas naman sa pananambang ay nakilalang si Atty. Anselmo Carlos.

Nabatid sa ulat ng pulisya na ang mga biktima ay sakay ng isang berdeng Nissan Safari na may plakang WDL-775 habang binabagtas ang kahabaan ng San Antonio, Guagua, nang biglang sumulpot ang dalawang motorsiklo na may lulang apat na hindi kilalang armadong kalalakihan.

Papaliko sana ang sasakyan ng mga biktima sa panulukan ng Gapan at Olongapo road sa San Antonio dakong alas-8:10 ng gabi nang bigla silang ratratin ng mga armadong kalalakihan.

Kasalukuyang inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pananambang at ang pagkikilanlan ng mga suspek na nakasakay ng dalawang motorsiklong tumakas sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANSELMO CARLOS

BRGY

CAMP CRAME

DALAWANG

GUAGUA

JOY CANTOS

NISSAN SAFARI

RAMON YUSO

RUSTICO FERNANDO

SAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with