Kinilala ng pulisya ang suspek na itinago sa pangalang Ana ay estudyante ng Science and Technology Institute (STI) at residente ang E. Rodriguez st. Kamuning, Quezon City.
Nakumpiska sa suspek ang may 18.73 gramo na shabu na nagkakahalaga ng P30,000 at ibibigay sa isang alyas Pogi ng Brgy. Aduas Centro.
Nabatid sa ulat ni Nueva Ecija PNP Director P/Sr. Supt. Paul Bacalzo, ang nasabing shabu ay ibinigay kay Ana ng kanyang inang si Dolor at inutusang ibigay sa naturang alyas Pogi. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)