^

Probinsiya

5 katao arestado sa drug bust

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Lima katao kabilang ang isang babae ang iniulat na nadakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group 4-Special Operation Team makaraang magsagawa ang buy bust operation kamakalawa ng hatinggabi sa Brgy. San Vicente, San Pedro, Laguna.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Dominador Mercado, 46, alyas Domeng; live-in partner nitong si Arlene Biliran; Sonny Plantilla; Jennbert Javier at Bernardo del Ocampo na pawang mga residente ng naturang lugar.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang baril at hindi pa mabatid na gramo ng shabu na nakalagay sa mga plastic sachet.

Nabatid sa ulat ni SPO4 Rosevelt Legaspi hepe ng CIDG4-SOT na si Mercado ang lider ng naturang grupo at responsable sa pagpapakalat ng droga sa lalawigan ng Laguna partikular na sa San Pedro, Calamba at Sta. Rosa.

Isinagawa ang buy bust operation dakong alas 12:30 ng hatinggabi matapos na magpanggap ng buyer ang isang ahente ng pulisya sa mga suspek. (Ulat ni Ed Amoroso)

ARLENE BILIRAN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DOMINADOR MERCADO

ED AMOROSO

JENNBERT JAVIER

ROSEVELT LEGASPI

SAN PEDRO

SAN VICENTE

SONNY PLANTILLA

SPECIAL OPERATION TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with