Mag-ina kinatay ng ex-convict
July 6, 2001 | 12:00am
TERESA, Rizal Dahil lamang sa nabigong makuha ang inuutang na malaking halaga ng pera ay pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang mag-ina ng isang dating preso sa New Bilibid Prison, kamakalawa ng hapon sa nasabing lalawigan.
Kinilala ng pulisya ang mag-inang biktima na sina Conchita Euleterio, 50, may asawa at anak nitong si Roberto, 23, binata, isang technician at kapwa residente ng Boulevard St. Brgy. Dalig ng nasabing lugar.
Samantala, ang suspek ay nakilalang si Jaime Ruiz, may sapat na gulang, binata ng Valenzuela at dating preso sa nasabing bilangguan bago lumaya noong 1997.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nadiskubre ni Edgar Babao ang bangkay ng mga biktima dakong alas-3:45 ng hapon sa loob ng sariling bahay ng mag-ina.
Si Babao, 32, na anak sa ibang lalaki ni Conchita ay nakarinig ng salitang nangungutang ng malaking halaga ang suspek sa ina upang ipambili ng ticket sa barko papauwi ng Davao City subalit walang maipahiram kaya nagawang patayin nito ang mag-ina.
Kasalukuyang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na posibleng naghahanda na ring tumakas patungong probinsiya. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest