Duwelo ng NPA at trader kapwa todas, 3 grabe
July 5, 2001 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Isang miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) at isang may-ari ng fishpond ang iniulat na nasawi makaraang magpalitan ng putok ang dalawa na malubha ring ikinasugat ng tatlo dahil sa nagtangging magbigay ng revolutionary tax ng huli, kamakalawa ng tanghali sa Barangay San Pascual, Obando ng naturang lalawigan.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Lando Marquez, 36, may asawa, isang rebel returnee at Crisanto Marquez, 60, may asawa isang fishpond operator at kapwa residente ng naturang lugar.
Samantala, ang mga bikitmang tinamaan naman ng ligaw na bala ng baril ay kinilalang sina Christopher Marquez, 30; Riz Anne Flores, 6; at Fabian Iso, 12-anyos.
Nabatid pa sa ulat ng pulisya na ang tatlong malubhang nasugatan ay kasalukuyang nasa basketball court ng tamaan ng ligaw na bala mula sa nasawing nagduwelo.
Sa ulat ni Bulacan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Edgardo Acuña na humihingi umano ng buwis si Lando bilang proteksyon sa kanyang negosyong palaisdaan subalit tumanggi ito na magbigay dahil sa nagbibigay na ito sa hindi binanggit na grupo ng mga rebelde ng halagang P2,000 kada buwan.
Subalit nagmatigas pa rin si Lando sa hinihinging buwis kaya nagkaroon ng mainitang pagtatalo na humantong sa barilan na ikinasawi ng dalawa. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest