^

Probinsiya

2 MBA players, aktres nanggulpi ng fans

-
CABANATUAN CITY – Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang dalawang basketball player ng Socsargen Marlins makaraang magsampa ng kasong panggugulpi ang dalawang fans ng Nueva Ecija Patriots Team laban sa una na naganap noong Hunyo 20, 2001sa Araullo Sports Gymnasium ng naturang lungsod.

Nabatid sa ulat na pormal na nagsampa ng kasong physical injuries sa sala ni Judge Inocensio B. Sagun, Jr. ng Branch 3 sa pamamagitan ni Fiscal Amelia Tiu sina Eduardo Lajeras at Maylene Chua laban kina Cris Bade, Paul "Bong" Alvarez at asawa nitong artistang si Almira Muhlach.

Ayon sa sinumpaang salaysay ng dalawang biktima, hindi umano nagustuhan ni Muhlach, isang trader ng mineral water ang pangangantiyaw nila Lajeras at Chua sa natalong Marlins laban sa Patriot team ng Metropolitan Basketball Association (MBA) kaya binalibag sila ng botelya ng mineral water.

Akma sana na gagantihan nina Lajeras at Chua ang ginawa ni Muhlach ay biglang dumating naman sina Bade at Alvarez kaya napilitang gulpihin ang dalawa imbes na awatin.

Sinabi naman ni Judge Sagun na kinakailangang personal na umapela sa korte at sagutin kaagad nina Alvarez, Bade at Muhlach ang akusasyon ng dalawa. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ALMIRA MUHLACH

ALVAREZ

ARAULLO SPORTS GYMNASIUM

CHRISTIAN RYAN STA

CHUA

CRIS BADE

EDUARDO LAJERAS

FISCAL AMELIA TIU

JUDGE INOCENSIO B

JUDGE SAGUN

MUHLACH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with