Misis naaktuhan ni mister
July 4, 2001 | 12:00am
RODRIGUEZ, Rizal Dobleng kamalasan ang inabot ng isang mister na sa halip na siya ang makapatay dahil sa galit matapos na mahuli sa aktong nakikipagtalik ang kanyang misis sa ibang lalaki, naunahan pa siyang masaksak ng kalaguyo ng kanyang misis, kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.
Rehas na bakal ngayon ang hinihimas ng magkaulayaw na sina Eva Baldago, 31 may asawa at residente ng Kasiglahan Village, Brgy. San Jose at Pepito Cervantes, Jr., 22, kapitbahay nila.
Nagpapagamot naman sa loob ng Rodriguez Municipal Hospital ang biktimang si Romeo Baldago, 35, tindero na nagtamo ng isang tama ng saksak ng ice pick sa kanyang braso.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na umuwi umano ng maaga si Baldago dakong alas-5:30 ng hapon upang kumpirmahin ang napapabalitang may karelasyong ibang lalaki ang asawa.
Dito niya nakumpirma na ang kanyang asawa ay may kalaguyo dahil sa naaktuhan itong nakikipagtalik sa loob ng kanilang kuwarto. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest