Batay sa inisyal na ulat na dumating sa Department of Interior and Local Government (DILG), ang mga nakatakas ay pawang may mga kasong may kaugnayan sa droga, rape, robbery, homicide at murder.
Agad din namang nadakip ang isa sa mga tumakas na si Ernesto Alimon subalit walang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang nais na magbigay o magkumpirma ng anumang impormasyon hinggil dito.
Samantala, ang labimpito pang pumuga ay kinilala ni C/Supt. Arturo Alit na sina Loreto Egano, Andrew Bongcal, Mariano Solis, Jeffrey Batu, Edwardo Reluna, Angelito Arbidon, Christopher Robriego, Rommel Soriano, Alfonso Sandigan, Sherwin Gatan, Ramil Ramos, Joel Marasigan, Melo Sonora, Arnold Candaza, Henry Pasacay, James Mendoza at Anthony Laguna.
Sa pahayag ni Sr. Supt. Samuel Pagdilao, Cavite Police Chief, naganap ang pagtakas ng 18 preso dakong alas-9:30 kamakalawa sa kasagsagan ng malakas na ulan.
Sinamantala umano ng mga preso ang kawalan ng mga jailguards na nagbabantay sa bilangguan sa pamamagitan ng paglagare sa rehas na bakal sa pamamagitan ng mga improvised equipment.
Dahil dito, posibleng masibak sa puwesto ang jailwarden na si Insp. Arneldo Jalimbawa. (Ulat ni Doris Franche)