10,000 katao nabigyan ng trabaho sa SBMA

SUBIC BAY FREEPORT – Patuloy na nagpapakita ng matatag na ekonomiya ang Subic Bay Metropolitan (SBMA) makaraang makapagbigay ng trabaho sa mahigit na 10,000 manggagawa mula noong Enero hanggang Hunyo ng taong 2001.

Sa isinumiteng mid-year report ni SBMA Labor Department Severo Pastor kay SBMA Chairman Felicito Payumo, nabatid na ang employment statistics ng SBMA ay nagdoble ng 10,415 ang natanggap ng manggagawa sa unang anim na buwan ng 2001, kumpara sa 5,208 trabaho noong nakaraang taon sa parehong buwan.

Bunsod ng kaganapang ito, umabot na sa 39,810 ang nabigyan ng trabaho sa iba’t ibang kompanya sa Freeport ng tatlong taong administrasyon ni Payumo. Noong nakaraang taon, umabot sa 13,614 ang napagkalooban ng trabaho sa Freeport.

Sinabi naman ni SBMA Labor Recruitment Chief Rommel Aquino na bunsod ng malaking bilang ng mga bagong manggagawa na natanggap sa Freeport, aabot na sa 42,000 ang pinagsanib na workforce ng investors, SBMA at subsidiary nitong Freeport Service Corporation (FSC). (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments