Accidental firing: 2 sundalo patay, 5 grabe
July 2, 2001 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Dalawang sundalo ang iniulat na nasawi habang lima pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng mapindot ang automatic button ng 50 Caliber Machine Gun ng isang sundalo sakay ng isang Simba Tank habang ang mga biktima ay lulan ng M35 truck kamakalawa ng hapon sa Jolo, Sulu.
Ang mga nasawing biktima ay nakilalang sina T/Sgt. Ricardo Cortez at S/Sgt. Redentor Delos Santos habang ang malubhang nasugatan ay kinilalang sina Cpl. Daniel Rosales, Pfc. Jemore Bacaron, Pfc. Jerryvey Luis, Pvt. Rodolfo Lagoy at Pvt. Janice Modesto na pawang nakatalaga sa 4th Infantry Battalion ng Phil. Army na nakabase sa nasabing lugar.
Samantala ang sundalo na ngayon ay isinasailalim sa imbestigasyon ay pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan.
Nabatid sa ulat ng militar na ang convoy ng military truck mula sa Mobile Tactical Command Post (MTCP) sa Bud Datu, Indanan, Sulu patungong Igasan, Patikul, Sulu ay may kasunod na Simba Tank.
Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay biglang napindot ang button ng naturang armas na naging dahilan upang tamaan ang mga biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest