Pulis na dumukot sa dalaga nagpaliwanag
July 2, 2001 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Mariing pinabulaanan kahapon ng isang pulis Cavite na nakatalaga sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus, Cavite na dinukot niya ang isang 26-anyos na dalaga sa Brgy. Tabon 3, Kawit ng naturang lugar noong June 29 habang ito ay nanonood ng telebisyon sa sariling bahay.
Sa paliwanag ni SPO1 Reynaldo Caranay na walang naganap na pagdukot kay Desiree Orig Victa ng Brgy. San Rafael 2, Novelete, Cavite dahil kusa umano itong sumama sa kanya dahil sinundo niya ito sa naturang lugar.
Subalit ang naganap na pangyayari ay ipinagbigay-alam ng ina ng biktima sa himpilan ng pulisya sa Kawit at naitala naman sa police blotter.
Inamin naman ni Victa na tutol ang kanyang ina sa kanilang relasyon ni Caranay sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest