^

Probinsiya

Ina kinatay ng anak dahil sa binasted ng nililiyag

-
TABACO CITY – Dahil sa pagkakabasted nang nililigawang babae, isang 33-anyos na lalaki ang nakuha nitong patayin ang kanyang ina sa pamamagitan ng itak bago hinostage pa ang ama kahapon ng umaga sa Barangay Vista, San Miguel Island ng lungsod na ito.

Ang biktima na halos magutay ang katawan sanhin ng taga ng itak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ay nakilalang si Menita Baranda, 62, habang ang ama namang hinostage ng suspek ay hindi nabatid ang pangalan.

Samantala, ang suspek na boluntaryong sumuko matapos ang may ilang minutong negosasyon ay nakilalang si Benjamin Baranda, binata, mangingisda at pawang mga residente ng naturang isla.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nag-ugat ang pagpatay sa biktimang ina makaraang ma-praning ang suspek dahil sa pagkakabasted ng nililigawang babae.

Dakong alas 9:30 ng umaga nang humingi ng tulong ang ilang malapit na kapitbahay sa pulisya na mabilis naman rumesponde subalit hinostage naman nito ang kanyang ama.

Nabatid pa sa pulisya na ang nililigawang babae ng suspek ay isa sa anak mayaman sa naturang lugar kaya tinanggihan ang inaalok na pag-ibig ng suspek. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY VISTA

BENJAMIN BARANDA

DAHIL

DAKONG

ED CASULLA

MENITA BARANDA

NABATID

SAMANTALA

SAN MIGUEL ISLAND

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with