Ito ang napag-alaman sa ilang opisyal ng disaster team na ayaw ipabanggit ang pangalan, kaya sa kasalukuyan ay pinaghahandaan na ang pagbaha ng putik dahil sa pagpasok ng buwan ng tag-ulan sa naturang lalawigan.
"Nanatili pa rin nasa ilalim ng Alert Level 5 ang kondisyon ng Mayon volcano at ang Extended Danger Zone sa timog-silangan ng Mabinit, Bonga, Maranag at Buyuan" anang Philvolcs.
Sa ngayon ay umaabot nasa 32, 686 evacuees na nasa may 36 evacuation center sa Albay ang nasa ligtas na kalagayan.
Subalit nagbabala naman ang mga opisyal ng Department of Health na posibleng kumalat ang anumang uri ng sakit dahil sa siksikan ang evacuees sa mga silid, kakulangan ng sanitasyon at ang matagal na exposure sa volcanic ashes. (Ulat ni Ed Casulla)