Ipupuslit na shabu sa piitan nasamsam
June 27, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY, Quezon – Isang Guest Relation Officer (GRO) sa isang night club ang iniulat na dinakip ng mga alertong guwardiya sa Quezon Provincial Jail makaraang magtangkang magpuslit ng shabu kamakalawa ng umaga.
Ang suspek na ngayon ay nakakulong sa Lucena City detention cell ay nakilalang si Joan Añonuevo, 17, ng Lucban, Quezon.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Reynaldo Belarmino, may hawak ng kaso, dakong alas-10:45 ng umaga nang dumalaw ang suspek sa kaibigan nito na nakapiit sa nasabing bilangguan.
Dahil sa kahina-hinalang ikinikilos ni Añonuevo ay napilitang rekisahin nina PGI Ricardo Afable at Jonathan Gaela ang lahat ng gamit nito partikular na ang suot na sandal na mataas ang takong.
Nabatid pa sa ulat ni P/Supt. Federico Terte, ang suspek ay nagtangkang magpuslit ng isang plastic sachet na shabu na nakaipit sa takong ng kanyang sandal. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest