Kinilala ang mga tinangay ng NPA na sina Allan Alcaide, Gilbert Herrera at Edilberto Bustamante upang ipatubos umano kapalit ng hinihingi nitong revolutionary tax.
Napag-alaman na ang pagsalakay ay itinaon ng mga rebelde bandang alas-12:00 ng tanghali habang karamihan sa mga nangangasiwa sa nasabing minahan ay kasalukuyang nananghalian. (Ulat ni Joy Cantos)