6 sundalo grabe sa car mishap

Anim na sundalo na pawang mga miyembro ng Alpha Company ng 67th Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang bumaligtad ang sinasakyang military Kennedy jeep ng mga biktima sa kahabaan ng Lumbak, Bacolod Kalawi, Lanao del Sur kamakalwa ng hapon.

Kinilala ang mga grabeng sugatang sundalo na sina 1Lt. Juanito Abadia, Cpl. Marcos Cobita, Pfc. Joseph Calimitan, Sgt. Leonardo Lunez, Cpl. Emilio Ugsod at Pfc. Badal Jalail na pawang patungo sa kampo ng Alpha Company.

Nilalapatan ng lunas ngayon ang mga biktima sa Mindanao Sanitarium Hospital sa Iligan City.

Base sa ulat, naganap ang aksidente dakong alas-2:30 ng hapon makaraang malubak sa malalim na hukay ang sinasakyang M151 Kennedy jeep ng mga biktima na naging dahilan upang tumagilid ito bago bumaligtad. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments