^

Probinsiya

Bagong kotse nakarnap dahil sa mais

-
CARMONA, Cavite – Isang bagong kabibili pa lang na kotseng Honda Civic ang kinarnap ng tatlong hindi kilalang kalalakihan makaraang iparada ng isang misis na bibili lamang ng mais sa kahabaan ng Governors Drive, Brgy. Bancal ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Gloria Villanueva may sapat na gulang, may asawa ng Block 1 Lot 12 Saint Martin. Bagong Bayan, Taguig, Metro Manila.

Ayon sa pulisya, natangay sa biktima ang bagong Honda Civic na may plakang UCW-941 at kulay lavander.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na ipinarada ng biktima ang nasabing kotse dakong alas 5:30 ng hapon upang bumili lamang ito ng panindang mais sa naturang lugar.

Dahil sa tiwalang walang magtatangkang tumangay ng kanyang kotse ay iniwan nitong bukas ang pintuan habang umaandar ang makina.

Sinamantala ng mga suspek ang pagkakataon na makalingat ang biktima bago sabay pumasok sa naturang kotse at pinaharurot patungong Biñan, Laguna. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

AYON

BAGONG BAYAN

BRGY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DAHIL

GLORIA VILLANUEVA

HONDA CIVIC

METRO MANILA

SAINT MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with