Nene ni-rape/slay sa planstasyon ng asukal
June 21, 2001 | 12:00am
ILOILO CITY – Isang 12-anyos na nene ang ginahasa bago pinatay ng isang lalaki na pinaniniwalaang lango sa ipinagbabawal na gamot sa plantasyon ng asukal noong Lunes ng hapon habang ang biktima ay inutasan lamang ng ina na bumili ng langis sa Sitio Lungaw, Brgy. Impang Grande Passi City ng naturang lalawigan.
Ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng mga awtoridad sa loob ng plantasyon ng asukal ng Hacienda Dulalia ng nabanggit na brgy.
Samantala, ang suspek na positibong itinuro ng mga testigo ay nakilalang si Rufino Divino, may sapat na gulang ng Tordesillos St., Passi City.
Ayon sa inisyal na ulat ni CP/Chief Insp. Roberto Nuffable, chief of police, huling nakita ng mga testigo ang biktima na kasama ng suspek na pumasok sa masukal na plantasyon ng asukal.
Dahil sa hindi pagbabalik ng biktima na inutusan lamang ng ina ay kaagad na ipinagbigay-alam ang pangyayari sa himpilan ng pulisya na nagresulta upang makita ang bangkay at madakip ang suspek. (Ulat ni Jun Aguirre)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest