^

Probinsiya

Bahay inararo ng jeep; 3 patay,8 grabe

-
PAMPLONA, Camarines Sur — Tatlo katao kabilang ang mag-asawang matanda ang iniulat na nasawi habang walo pang iba ang malubhang nasugatan makaraang araruhin ng isang pampasaherong jeep ang bahay ng mga biktima kamakalawa ng gabi sa Brgy. Tambo, ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nasawi na sina Maximo Avila, 84, asawa nitong si Rosanna, 82 at ang apo na si King Arce Hernandez, 7, na pawang mga residente ng nasabing lugar.

Samantala ang mga biktimang malubhang nasugatan na sakay ng pampasaherong jeep na may plakang BLL-303 ay nakilalang sina Armento Agaton, 29, driver ng jeep; Para Hermoso, 50; Rosalle Enpania, 55, ng Muntinlupa City; Francis Robles, 33; Jericho Mendoza, 24; Rafael Bolaong, 30, na kapwa residente ng Malolos, Bulacan; William Bayones, 31, ng Las Piñas City; at Felix Sebastian, 54, ng Labo Camarines, Sur.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-9:26 ng gabi habang ang mga biktimang nasawi ay natutulog sa loob ng kanilang bahay.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, ang pampasaherong jeep ay patungong Maynila mula sa Naga City nang mawalan ng control ang driver kaya nagtuloy-tuloy ito sa bahay ng mga biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

ARMENTO AGATON

CAMARINES SUR

ED CASULLA

FELIX SEBASTIAN

FRANCIS ROBLES

JERICHO MENDOZA

KING ARCE HERNANDEZ

LABO CAMARINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with