^

Probinsiya

Bunso inutas ni kuya dahil sa selos

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang nakababatang kapatid ng kanyang kuya dahil sa paniniwalang mas pinapaboran ng kanyang magulang ang biktima kamakalawa ng umaga sa Brgy. Mahayahay, Kapatagan, Lanao del Sur.

Kinilala ng pulisya ang biktimang tadtad ng tama ng bala ng garand rifle na si Fernando Dorig, may sapat na gulang ng nasabing lugar.

Samantala, ang suspek na boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ay nakilalang si Rene, Dorig, isang miyembro ng 4th Cafgu Active Auxiliary (CAA) Company na nakabase sa Brgy. Kidalos ng naturang munisipalidad.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9 sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alas-7:00 ng umaga sa loob ng kanilang bahay sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, bago patayin ng suspek ang kanyang bunsong kapatid ay sukdulan na ang pagseselos nito dahil sa maraming pabor na inaayunan ang magulang kaysa sa kanya.

May teorya ang pulisya na nagdilim ang paningin ng suspek bago ratratin hanggang sa mapatay nito ang kapatid na nag-iisang naiwan sa loob ng kanilang bahay.

Nang mahimasmasan na ang suspek ay umiiyak na humingi naman ng tawad sa harap ng bangkay ng kanyang kapatid at magulang. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BATAY

BRGY

CAFGU ACTIVE AUXILIARY

CAMP CRAME

DORIG

FERNANDO DORIG

JOY CANTOS

KAPATAGAN

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with