7 pulis isinabit sa kasong pagnanakaw
June 17, 2001 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga  Pitong kagawad ng pulisya na nakatalaga sa Nueva Ecija Police Office (NEPO) ang nalalagay ngayon sa balag ng alanganin makaraang isangkot ang mga ito sa umano’y ginawang panloloob at pagnanakaw sa bahay ng isang kamag-anak ng Barangay Chairman sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija, kamakailan lamang.
Sa isang complaint affidavit na isinampa sa tanggapan ng National Police Commission (Napolcom), kinilala ang mga inakusahan sa panloloob na sina PO2 Miriam Evangelista at Hope Azucenas; PO1 Alfredo Fara-On, Franklin Moral, Arnel Mutallano, Liezel Cantina at Ferdinand Reguin, pawang miyembro ng Nueva Ecija Police Office (NEPO).
Ayon kay Edmund Fernandez, hepe ng Inspection, Monitoring and Investigation Service ng Napolcom, ang mga inakusahan ay pinadalhan na ng summoned letter upang magbigay linaw sa naganap na nakawan noong nakalipas na Mayo 11 sa bahay ng biktimang si Marlon Saplandre, 22, residente ng Barangay Tabuating, San Leonardo sa naturang lalawigan at isang aktibong miyembro ng Kabalikat Radio Communication Group sa kanilang lugar. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest