^

Probinsiya

Pulis na gumulpi sa kanyang hepe nag-harakiri

-
ILAGAN, Isabela – Isang kagawad ng pulisya na napaulat na ginulpi ang kanyang hepe ang nag-harakiri sa loob ng Isabela Provincial Headquarters malapit sa guard house ng 1st Police Mobile Group kamakalawa ng hapon sa bayan ng San Pablo ng naturang lalawigan.

Ang biktima na hindi na umabot pa ng buhay sa Isabela Provincial Hospital dahil sa malalim na saksak ng kitchen knife sa tiyan ay nakilalang si PO1 Mario Pagalilauan, may sapat na gulang at nakatalaga sa San Pablo police station.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nasaksihan ni PO1 Claro Rodriguez ang pangyayari dakong alas-4:00 ng hapon matapos na lumabas ang biktima sa Investigation Office ng police provincial dahil sa panggugulpi nito kay P/Chief Insp. Domingo Dollente, chief of police ng San Pablo noong nakaraang Miyerkules ng umaga.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya, kinompronta umano ni Dollente si Pagalilauan hinggil sa hindi nito pagpapaalam patungo sa bayan ng Benito Soliven dahil naiwang nag-iisa ang kasamahang pulis na nag-momonitor ng illegal cockfighting sa Brgy. Bacolod.

Subalit minasama ni Pagalilauan ang binitiwang pananalita ni Dollente kaya ginulpi nito ang kanyang hepe.

Kaagad naman inawat ng ilang kasamahang pulis dahil mauuwi pa ito sa barilan.

Dahil sa naturang pangyayari ay nakarating sa punong tanggapan ng pulisya sa Isabela at ipinatawag ang biktima upang imbestigahan na posibleng masibak sa puwesto.

Kaya minabuti na lamang ng biktima na mag-harakiri. (Ulat ni Lito Salatan)

vuukle comment

BENITO SOLIVEN

CHIEF INSP

CLARO RODRIGUEZ

DOLLENTE

DOMINGO DOLLENTE

INVESTIGATION OFFICE

ISABELA

ISABELA PROVINCIAL HEADQUARTERS

ISABELA PROVINCIAL HOSPITAL

SAN PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with