^

Probinsiya

11 katao natodas sa kagat ng aso

-
BANGUED, Abra – Tinatayang aabot na sa 11 katao ang iniulat na namamatay sa loob lamang ng lima at kalahating buwan ng taong kasalukuyan dahil sa kagat ng aso na pinaniniwalaang may rabies sa bayang ito.

Ito ang nabatid kay Luneza Amasi, rabies control program coordinator na nagpahayag na may 261 kaso ang iniulat sa kanilang tanggapan mula noong nakaraang Enero 2001.

Subalit aabot lamang sa 134 katao na kinagat ng asong gala ang nagpagamot na.

Sinisi naman ni Amasi ang mga residenteng nakagat ng asong gala na hindi kaagad kumunsulta sa doctor.

May paniniwala si Amasi na mas mataas pa ang bilang ng mga residenteng nakagat ng aso ang hindi iniulat sa kanilang tangggapan dahil may ginagamit umano itong "tandok" na pinaniniwalaang pang-alis ng mikrobyo ng rabies. (Ulat ni Ave Bello)

vuukle comment

ABRA

AMASI

AVE BELLO

ENERO

LUNEZA AMASI

SINISI

SUBALIT

TINATAYANG

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with