^

Probinsiya

Mister na hiniwalayan ni misis nagbigti

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Dahil sa tuluyang hiniwalayan ng kanyang misis, isang 34-anyos na mister ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bunducan, Bocaue ng naturang lalawigan.

Ang biktima na natagpuang nakabitin sa kisame sa loob ng kanilang bahay ay nakilalang si Larry Obilla, jobless at residente ng naturang lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima isang araw matapos maganap ang pagpapakamatay na nakikipagtalo sa kanyang misis hinggil sa pakikipaghiwalayan.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa ilang kapitbahay ng biktima, malimit na mag-away ang mag-asawa sa hindi nabatid na kadahilanan.

May teorya naman ang pulisya na ang motibo nang pagpapakamatay ng biktima ay resulta ng matinding sama ng loob dahil sa nasabing isyu. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

AYON

BATAY

BOCAUE

BRGY

BULACAN

BUNDUCAN

DAHIL

EFREN ALCANTARA

LARRY OBILLA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with