^

Probinsiya

2 timbog sa drug bust

-
Olongapo City – Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang supplier ng ipinagbabawal na gamot sa lungsod na ito ang nadakip ng pulisya sa isinagawang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sta. Rita.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Florencio Miclat, 37, ng 1418 Tabacuhan St. at Salic Mualam, alyas "Boy Muslim", 36, ng #2 Ramos St. Brgy. Sta, Rita ng nasabing lungsod.

Sa ulat mula kay Olongapo City Police Office Director Supt. Danilo Empedrad, nasakote ang mga suspek dakong alas-11:50 ng gabi makaraang magpanggap na poseur buyer ng shabu ang isang ahente ng Drug Enforcement Group ng Presinto 5.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang 12 pirasong sachet na may 60 gramo na shabu at ang mark money na nagkakahalaga ng P500.

Ayon sa ulat ni P/Inps. Miguel Corpuz, matagal nang inirereklamo ang mga suspek sa kanilang lugar hinggil sa lantarang pagbebenta ng droga kaya nagsagawa ng pagmamatyag ang mga awtoridad na nagresulta upang madakip ang dalawa. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

BOY MUSLIM

DANILO EMPEDRAD

DRUG ENFORCEMENT GROUP

FLORENCIO MICLAT

JEFF TOMBADO

MIGUEL CORPUZ

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY POLICE OFFICE DIRECTOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with